Kalagayan ng mga Pinoy na posibleng naapektuhan ng bagyo sa US East Coast, ina-assess na ng DFA

Nakikipag-ugnayan na ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Philippine Consulate sa New York kaugnay ng sitwasyon ng mga Pilipino roon na posibleng naapektuhan ng bagyong tumama sa US East Coast.

Nag-abiso na rin ang Konsulada ng Pilipinas sa mga Pinoy roon na pakinggan ang instruction ng mga lokal na otoridad sa kanilang lugar.

Sa ngayon, ang Filipino-Americans sa New York at New Jersey ay tinatayang nasa 236,000 at 280,000.


Sa nasabing bagyo, maraming bahay ang nasira at lumubog sa baha.

Facebook Comments