Kalagayan ng mga Pinoy sa Shenzhen, China na apektado ng COVID lockdown, mino-monitor na ng Philippine Consulate

Mino-monitor ng Philippine Consulate sa Guangzhou, China ang kalagayan ng mga Pilipino sa Shenzhen.

Kaugnay ito ng pinatutupad na COVID-19 lockdown sa Shenzhen.

Nilinaw naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na iilan lamang ang mga Pinoy na naninirahan sa anim na sub-districts na sakop ng lockdown.


Habang ang mga Pinoy anilang naninirahan sa sakop ng lockdown ay naka-work from home.

Sa ngayon, 800 mga Pinoy ang nakatira sa Shenzhen at karamihan sa kanila ay mga guro, engineers, architects, musicians at household workers.

Facebook Comments