Kalagayan ng OFWs sa Myanmar, regular na mino-monitor ng DFA

Kinumpirma ng Filipino community sa Myanmar na regular na mino-monitor ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kanilang kalagayan.

Sa harap ito ng nagpapatuloy na kaguluhan sa nasabing bansa sa pagitan ng anti-government groups at ng pwersa ng pamahalaan.

Mahigpit naman ang abiso ng DFA sa mga Pinoy sa Myanmar na pairalin ang ibayong pag-iingat at i-monitor ang mga development sa lugar.


Kagabi, muling nagsagawa ng noise barrage ang mga residente ng Yangon, Myanmar at hinihiling nila na tapusin na ang military coup at palayain na si opposition leader Aung San Suu Kyi.

Sa ngayon, 1,273 ang mga Pilipino sa Myanmar at karamihan sa kanila ay nagtatrabaho sa manufacturing industry, habang ang ilan ay nasa UN agencies at iba pang international organizations.

Tiniyak naman ng overseas Filipino workers doon na tuloy-tuloy ang supply ng kuryente sa kanila at ang signal ng telepono bagama’t bahagyang naputol kahapon.

Facebook Comments