KALAGAYAN NG SOLID WASTE MANAGEMENT NG ISABELA, TINALAKAY NG PSWMB

Cauayan City, Isabela- Iniharap ng Provincial Solid Waste Management Board (PSWMB), ang status ng solid waste management ng iba’t ibang Local Government Unit (LGU) sa lalawigan ng Isabela sa nakaraang pulong ng mga konseho noong Setyembre 28, 2022 sa Provincial Capitol Amphitheatre, Alibagu, City of Ilagan, Isabela.

Ayon kay Zabala, 22 lungsod at munisipalidad na ang nagsumite ng kanilang sampung taong Ecological Solid Waste Management Plans kung saan tatlo dito ang inendorso sa Solid Waste Management Division (SWMD) para sa karagdagang pagsusuri bago ang pag-endorso sa National Solid Waste Management Commission (NSWMC), habang siyam naman ang ibinalik sa Municipal Local Government Units (MLGUs), at dalawa para sa pagsusuri ng Environmental Management Bureau (EMB)-Region 2.

Kaugnay nito, natalakay rin sa nasabing pagpupulong ang mga tuntunin ng pasilidad sa pamamahala ng basura.

Labinlimang lungsod at munisipalidad ang mayroon nang kani-kanilang mga sanitary landfill, habang 13 ang may mga residual containment area.

Bukod dito, walong bayan ang pumasok sa isang Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang Cauayan City, habang ang isang munisipalidad ay pumasok sa isang MOA kasama ang Ramon. Inihayag din ni Zabala na ang lalawigan ay may walong (8 permanenteng opisyal ng MENR, siyam (9) na opisyal ng OIC MENR, at labing siyam (19) na itinalagang opisyal ng MENR.

Facebook Comments