Kalagayan sa evacuation centers, mino-monitor ng DOH

Binabantayan ng Department of Health o DOH ang posibleng epekto sa kaso ng COVID-19 sa evacuation centers sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Rolly.

Sa kanyang virtual press briefing, sinabi ni Health Undersecretary at Spokesperson Ma. Rosario Vergeire na hindi talaga maiiwasan na may mga lugar na hindi nakakasunod sa health protocols lalo na sa pagpapatupad ng social distancing.

Dahil dito, muling ipinapaalala ni Vergeire na importante na may mga health and safety officers na nagmo-monitor sa sitwasyon sa evacuation centers.


Samantala, kinumpirma ni Vergeire na aabot na sa ₱116 million ang halaga ng mga pinsala sa mga pasilidad ng DOH sa mga lugar na binayo ng Bagyong Rolly partikular sa Bicol Region.

Facebook Comments