Kalahati ng healthcare workers sa government facilities, Job Orders lamang

40% hanggang 50% ng mga healthcare worker na nagtatrabaho sa mga local at national health facilities, Job Orders (JO) lamang kaya wala silang sapat na benepisyo at seguridad sa trabaho na katulad sa mga regular na empleyado.

Sinabi ito ni Department of Health (DOH) Officer-in-Charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa briefing ng House Committee on Appropriations.

Sa pagdinig ay nagpahayag ng pagkabahala si Malasakit at Bayanihan Party-list Rep. Anthony Rolando Golez, dahil sa napaulat na kulang ang bansa ng 95,000 na doktor at 300,000 na nurse.


Ipinunto ni Golez, masasayang ang pondo para sa pagpapatayo ng mga health facility kung hindi naman sapat ang bilang ng mga healthcare worker.

Paliwanag naman ni Vergeire, ang kakulangan sa health workers ay bunga ng limitadong plantilla position.

Kaya hiling ni Vergeire sa mga mambabatas, dagdagan ang plantilla position para sa mga doktor at nurse.

Facebook Comments