Kalahati ng populasyon ng Pilipinas, ‘confident’ sa pangangasiwa ng gobyerno sa mga bakuna

Kalahati ng populasyon ng mga Pilipino ang ‘confident’ kung paano pinamamahalaan ng gobyerno ang pamamahagi ng bakuna kontra COVID-19.

Ito ang resulta ng survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) na naganap mula April 28 hanggang May 2, 2021.

Batay sa survey, 51 percent ng mga Pilipino ang nagsabing tiwala sila sa kakayahan ng gobyerno, 31% ang hindi sigurado at 17% ang hindi nagtitiwala.


Mayorya ng mga nagtitiwala ay nagmula sa Mindanao na may 58%, sinundan ng Visayas na may 55%, Metro Manila na may 49% at ilan pang lugar sa Luzon na may 47%

Sa kabuuan namang sumagot sa survey, mayorya sa mga ito ang nagsabing handa silang magpabakuna kontra COVID-19.

58% ang nagsabing buo ang kanilang loob na magpabakuna, 27% ang hindi pa sigurado, 27% ang wala pang desisyon at 15% ang hindi na magpapabakuna.

Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interview kung saan aabot sa 1,200 respondents ang lumahok mula sa Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao.

Facebook Comments