Kalahati sa target na tourism workers sa buong bansa, nabakunahan na

Aabot na sa halos kalahati sa target na tourism workers ang nabakunahan na.

Sa presentasyon sa Kamara ni Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa P3.7 billion budget ng ahensya, ipinakita ng kalihim na sa 219,253 na initial target number ng tourism workers, 45.18% o 70,389 sa bilang na ito ang nakatanggap na ng full dose ng bakuna.

Karamihan aniya sa mga nabakunahan na ay bahagi ng A1 Hotels o yung mga hotel na ginagamit bilang quarantine at isolation facility.


Mayroon namang 50.82% o 120,203 tourism workers ang nakalinya na para mabakunahan laban sa COVID-19.

Katunayan dagdag ng kalihim, 100% nang bakunado ang tourism workers sa Baguio City.

Tinitiyak naman ni Romulo-Puyat na patuloy silang bumabalangkas ng responsive at timely na formula para maibalik ang sigla ng turismo sa bansa.

Facebook Comments