KALAHATING MILYONG PISO, DANYOS SA NASUNOG NA LAUNDRY SHOP SA LINGAYEN

Umaabot sa limang daang libong piso ang danyos ng nasunog na Laundry Shop sa bayan ng Lingayen.
Ang nasabing Laundry Shop ay pagmamay – ari ni Martin Estrada, residente ng Libsong East sa nasabing bayan.
Ayon sa mismong may ari ng palabahan, umidlip ito pasado alas nuebe ng Gabi at naiwang naka andar ang tatlo sa mga washing machine nito.

Subalit bigla na lang umano nito napansin na nasusunog na ang kanilang pwesto.
Ayon sa BFP, Multiple Wire Connection overload ang dahilan ng pagkasunog ng nasabing pwesto.
Mabuti na lang din ayon sa BFP na walang nasaktan sa insidente. |ifmnews
Facebook Comments