KALAHATING MILYONG PUNLA, NAITANIM SA ILALIM NG GREEN CANOPY PROGRAM; 192 PUNO, PUPUTULIN SA PALIGID NG PROVINCIAL CAPITOL

Umabot na sa 500, 000 na punla ang naitanim ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan sa ilalim ng green canopy program.

Isinagawa kamakailan ang pagtatanim ng mga punla ng niyog sa Eco-Tourism Park sa Barangay Estanza bilang bahagi ng nasabing programa.

Dumalo sa aktibidad ang mga opisyal ng lalawigan, mga kawani ng pamahalaan, at mga boluntaryo mula sa TUPAD program.

Layon ng programa na magtanim ng mga punong kahoy sa buong lalawigan bilang tugon sa mga isyung pangkalikasan at para sa pangmatagalang kaayusan ng kapaligiran.

Samantala, inaprubahan naman ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagputol ng 192 puno sa paligid ng Capitol Complex bilang bahagi ng redevelopment project sa lugar.

Sinubukan naman naming kunan ng pahayag ang PENRO, ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin silang tugon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments