Kalahating porsyento ng mga Pinoy, kumportable pa ring bumiyahe papuntang opisina ayon sa SWS Survey

Kalahating porsyento ng mga Pinoy ang nagsabing kumportable pa rin silang magtungo sa kanilang opisina para magtrabaho sa kabila ng banta ng COVID-19 sa bansa.

Base sa inilabas na resulta ng isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) mula July 3 hanggang 6, sa kabuuang 1,550 adults na lumahok, 47 percent dito ang may trabaho habang 53 percent naman ang unemployed at hindi pa nagkakaroon ng trabaho.

Sa 47 porsyentong may trabaho, 55 percent dito ang nagsabing kumportable pa rin silang pumasok habang 40 percent ang nangangamba.


Malaking porsyentong sumagot sa survey na nagsabing kumportable sila ay nagmula sa Mindanao na may 64 percent, sinundan ng Luzon na may 55 percent, Visayas na may 50 percent at ang Metro Manila na may 45 percent.

Facebook Comments