KALAKALAN NG CAMPAIGN MATERIALS SA PANGASINAN, POSIBLE NANG LUMAKAS

Higit isang buwan bago mag-umpisa ang campaign period sa mga local na positions para sa Halalan 2025, unti unti nang lumalakas ang kalakalan ng mga pagawaan ng campaign materials sa Pangasinan.

Ayon sa ilang may-ari ng tarpaulin printing shop, unti-unti na umanong dumadagsa ang mga kandidatong nagpapaprint ng tarpaulin at iba pang campaign materials sa kanila.

Ilan sa mga pinapagawa ay mga stickers, damit, at iba pa.

Samantala, dahil sa taas ng demand ay bagsak presyo ito kung saan halos nasa P4.50 per sq/ft na lamang mula sa P12.00 sa normal na araw.

Dahil dito, bultuhan umano ang kuha ng ilan kaya inaasahan na hanggang buwan ng Abril ay walang humpay na ang kanilang pag-prodyus ng mga campaign paraphernalias.

Nagpaalala naman ang COMELEC ukol sa itinakdang campaign funds ng mga aspirante depende sa kanilang tinatakbuhang posisyon na huwag sumobra dahil ang sinumang lalabag dito ay maituturing itong election offence. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments