Kalakalan ng droga sa bansa, halos naparalisa na ayon kay Pangulong Duterte

Ipinagmamalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte na malayo ang nararating ng anti-illegal drug efforts ng pamahalaan sa ilalim ng kanyang termino.

Ayon sa Pangulo, ang illegal drug trade sa bansa ay nabawasan bunga ng pinaigting na crackdown, at pinalakas na intelligence network.

Bagamat aminado siya na ipinangako niya noon na tatapusin ang problema ng droga sa bansa, pero napagtanto niya na sobrang malawak at malalim ang problemang ito.


Aniya, may ilang police generals at government officials na sangkot din sa ilegal na aktibidad.

Sinabi ng Pangulo na posibleng humantong ang bansa bilang isang narco-state kung hindi napanagot ang mga opisyal na dawit sa drug trade.

Dahil dito, muling nagbabala si Pangulong Duterte na papatayin ang sinumang sangkot sa illegal drug activities.

Facebook Comments