Umabot na sa apatnaput dalawa (42) ang kaso ng suicide sa lalawigan ng Pangasinan sa loob lamang ng mahigit limang buwan ngayong taong 2022, base sa talaan ng Pangasinan Provincial Office.
Ayon kay PMAJ. Katelyne Awingan, tagapagsalita ng Pangasinan PPO na nakakaalarma ang datos na naitala kung saan simula noong Enero hanggang sa kasalukuyan ay nasa 42 na ang mga kaso na naitatalang suicides o pagpapakamatay at 95% nito ay pawang mga kalalakihan.
Nakikita naman umano nilang madalas na dahilan ng mga nagpapatiwakal ay dahil sa problema sa relasyon o isyu sa pamilya.
Patuloy umano ang kanilang isinasagawang mga information drive sa pamamagitan na rin ng social media upang magkaroon ng kamalayan ang publiko hinggil sa kahalagahan ng pagbibigay suporta sa mga taong dumaranas ng isyu sa mental health.
Puspusan naman din ang kanilang isinasagawang koordinasyon sa mga pribadong organisasyon na nagpapalakas ng usapin ukol sa suicide.
Aminado rin ito na malaki ang naging impluwensiya ng kasalukuyang pandemya sa pinagdadaanan ng tao tulad na lamang ng kawalan ng trabaho. | ifmnews
Facebook Comments