KAMALAYAN NG KOMUNIDAD, ISINUSULONG NG MGA AWTORIDAD SA REHIYON UNO NGAYONG NATIONAL AUTISM CONSCIOUSNESS WEEK

Isinusulong ng mga awtoridad sa Rehiyon Uno ang kamalayan at pag-unawa ng komunidad hinggil sa autism kasabay ng paggunita ng National Autism Consciousness Week.

Sa pagdiriwang na ito, binibigyang-diin ang pagkilala sa natatanging kakayahan, talento, at perspektiba ng mga indibidwal na nasa autism spectrum, gayundin ang kahalagahan ng pagtanggap at paggalang sa kanilang pagkakaiba.

Ayon sa mga awtoridad, mahalaga ang patuloy na pagpapalaganap ng kaalaman upang mabuo ang isang komunidad na mas maunawain, inklusibo, at ligtas para sa lahat.

Sa pamamagitan ng simpleng hakbang tulad ng tamang impormasyon, malasakit, at paggalang sa kapwa, layon ng paggunita na mapalakas ang suporta ng lipunan sa mga taong may autism at sa kanilang mga pamilya.

Facebook Comments