KALAMIDAD | Mga pamilya na naapektuhan ng bagyong Vinta, nasa evacuation centers pa rin – NDRRMC

Manila, Philippines – Nasa evacuation centers pa rin ang mga pamilya na naapektuhan ng bagyong Vinta ito ay ayon sa NDRRMC.
Umabot na sa mahigit labing tatlong libong pamilya ang nasa evacuation centers mula sa region 7, 9, 10, 11, ARMM, MIMAROPA at CARAGA dahil sa epekto ng bagyong Vinta.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction and management Council Spokesperson Romina Marasigan, may 556 passengers pa ang stranded hanggang sa kasalukuyan, mula sa iba’t ibag pantalan kahit na nakalabas na ang bagyong Vinta sa Philippine Area of Responsibility o PAR.
Samantala , may nanatili pang 658 pang pamilya ang naitala mula sa 28 evacuation centers sa Bicol part, at probinsiya ng Biliran.

Facebook Comments