Kalamidad na maaaring mangyari ngayong sea games pinaghahandaan ng Office of Civil Defense at NDRRMC

Siniguro ng Office of Civil Defense at National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC na handa ang pamahalaan sa anumang natural calamities o panganib na maganap tulad ng lindol o bagyo habang ginaganap ang Southeast Asian Games 2019.

 

Ngayong araw nagpulong ang joint task group ok preparedness and response na binubuo ng DOH, BFP, PNP, AFP, PCG, MMDA at mga local government unit.

 

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, all system go at sapat na ang mga tauhan, kagamitan at sasakyan sakaling magkaroon ng kalamidad sa kasagsagan ng palaro.


 

Kumpyansa ang NDRRMC na ligtas gamitin ang mga sports venue kahit ang iba ay hindi pa tapos ang konstruksyon ilang araw bago ang opisyal na pagbubukas ng Sea Games sa November 30.

Facebook Comments