Kalansay ng Umano’y NPA na Napatay sa Ambush sa PNP-SAF, Narekober sa Cagayan

Cauayan City, Isabela- Narekober ng mga pulis ang kalansay ng umano’y isang rebelde na napatay sa ginawang pananambang sa mga miyembro ng PNP-SAF noong taong 2013 sa barangay Cataratan sa bayan ng Allacapan, Cagayan.

Ang nahukay na kalansay ay kinilalang si alyas Arman na taga Maynila na sumapi sa rebeldeng grupo na nag-ooperate sa Allacapan.

Ito ay dahil na rin sa tulong ng dalawang sumukong rebelde na nagbulgar na may kasamahang napatay sa kanilang ginawang ambush at inilibing sa Sitio Kasisiitan sa barangay Daan-ili.


Matatandaan na noong 2013, nagtanim ng landmine ang nasa 30 mga miyembro ng makakaliwang pangkat sa barangay Cataratan na ikinasawi ng 8 SAF troopers at 7 SAF na sugatan.

Mula noong Enero hanggang sa kasalukuyang buwang ngayong 2021 ay labing isang (11) mga miyembro na ng NPA ang sumusuko sa PNP Allacapan.

Ang sunod-sunod na pagsuko ng mga NPA ay dahil sa maigting na kampanya ng PNP Allacapan at iba pang ahensya ng gobyerno kontra sa terorismo.

Facebook Comments