Umaabot na sa 12 mga truck ng basura ang nahakot Manila City Government ngayon sa paggunita ng Undas kahapon kung saan patuloy pa rin ang paghahakot ng mga basura sa loob at labas ng naturang sementeryo.
Dismayado ang Manila City Government sa mga dumadalaw sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay dahil sa kabila ng paalala nito na bawal magkalat mg basura at bawal magdala ng ipinababawal tuwing Undas ay patuloy pa rin binabalewala at nilalabag ng mga nagsisidalaw sa Manila North Cemetery.
Mahigit 50 mga nagwawalis ngayon sa Manila North Cemetery upang tanggalin ang mga kalat na iniwan ng mga nagsisipagdalaw ng puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.
Paalala ng Manila City Government sa publiko na sa mga susunod na kahalintulad na okasyon dapat magdala ng mga lalagyan nila ng mga basura kung hindi nila kayang itapon sa tamang tapunan ang mga basurang kanilang dala-dala.