KALAT NA | Video ng 2 batang nagnakaw sa isang jeep sa taft avenue, Viral

Manila, Philippines – Viral ngayon sa Facebook ang ginawang pagnanakaw ng dalawang bata sa kinitang pera ng isang jeepney driver sa Taft Avenue, Maynila.

Sa video na in-upload ng Facebook user na si Denmark Bernardo, makikita ang pagsampa ng dalawang bata sa gilid ng jeep sa bahaging unahan saka biglang hinablot ang lalagyan ng pera ng drayber.

Sa pagmamadali, tumilapon pa ang mga barya sa kalsada.


Naharang pa ang isa sa mga magnanakaw pero nagpumiglas ito ay pinakawalan din.

Ayon sa pedicab driver na si James Fernandez, lango sa solvent ang mga bata na notoryus nang snatcher sa lugar.

Ilang beses na raw itong nai-report sa pulisya pero bigo silang matanggal sa lugar ang mga bata, dahil nga sa menor de edad, napapakawalan din sila.

Facebook Comments