Kalayaan Island Group, dapat bigyan ng pagkakakilanlan sa DENR bilang bahagi ng paggiit sa ating teritoryo

Pinabibigyan ni Senador Risa Hontiveros sa Department of Environment and Natural Resources o DENR ng pagkakakilanlan ang mga bahagi ng Kalayaan Island Group na binubuo ng siyam na dugtung-dugtong na isla.

Ang mungkahi ni Hontiveros ay bahagi ng paggiit ng teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Paliwanag ni Hontiveros, sang-ayon sa international law, ang mga pag-angkin sa dagat at teritoryo ay nagmumula sa pagpapangalan at pagtukoy sa mga piraso ng lupa o bato.


Kaya naman giit ni Hontiveros, dapat opisyal nang mailarawan ang sakop ng ating territorial seas, upang malaman ng mundo kung alin ang mga lupa at bato ang pag-aari ng Pilipinas.

Facebook Comments