Kalayaan sa paglalayag, ipinanawagan ni PBBM kasunod ng pag-atake ng Houthi rebels sa Red Sea

 

Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na tapusin na ang kaguluhan at igalang ang kalayaan sa paglalayag.

Ito’y kasunod ng pagkamatay ng dalawang Filipino seafarers sa pinakahuling pag-atake ng Houthi rebels sa bahagi ng Red Sea at Gulf of Aden.

Ayon kay Pangulong Marcos, nananatili ang posisyon ng Pilipinas para sa kaligtasan at kapakanan ng Filipino seafarers sa rehiyon.


Nagpaabot naman ng pakikiramay ang pangulo sa pamilya ng mga biktima at tiniyak na kumikilos na ang pamahalaan upang maiuwi sa Pilipinas ang labi ng nito.

Inihayag din ni Pangulong Marcos na nasa Djibouti na ang 13 nakaligtas na seafarers, kabilang na ang tatlong sugatan.

Nakaalalay na aniya ang embahada ng Pilipinas sa Cairo para makauwi ang mga ito sa bansa sa lalong madaling panahon.

Facebook Comments