Thursday, February 5, 2026

Kalayaan sa pagpapahayag ni Rep. Barzaga at paghalal sa kanya ng mamamayan ng Dasmariñas, dapat pairalin sa halip na parusahan

Binatikos nina Representatives “Eli” San Fernando ng Kamanggagawa Party-list at Paolo Henry Marcoleta ng Sagip Party-list ang panibagong 60-araw na suspensyon na ipinataw ng Kamara kay Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga.

Giit nina San Fernando at Marcoleta, may kalayaan si Barzaga sa pagpapahayag salig sa konstitusyon at mas matimbang din ang paghalal sa kanya ng mamamayan ng Dasmariñas, Cavite.

Naniniwala si San Fernando na ang muling pagsuspinde kay Rep. Barzaga ay hindi magpapanumbalik ng respeto ng taumbayan sa Kamara bilang institusyon.

Binigyang-diin naman ni Marcoleta na hindi patas na parusahan si Barzaga habang wala pa ring napaparusahan na malalaking nagnakaw sa pera ng taumbayan.

Facebook Comments