Ipinahayag ng grupong MANIBELA na kung mayroon talagang tinatamasang kalayaan ang bansa, dapat ay binibigyan ang mga tsuper sa kalayaang makapag-hanapbuhay nang walang pananakot.
Mensahe ito ng grupo kasabay ng pagdiriwang ng ika-126 na Araw ng Kalayaan o Independence Day.
Sa diwa umano ng Independence Day, dapat ay hayaang makapag-hanapbuhay ang mga driver.
Dapat umano silang payagang maipahayag ang kanilang ipinaglalaban.
Ang tigil-pasada ng MANIBELA ay nagpapatuloy ngayong araw bilang pagtutol sa panghuhuli sa mga unconsolidated jeepney at sa pagturing na colorum sa mga hindi lumahok sa PUV Modernization Program.
Facebook Comments