Kalbaryo ng Maralita, ikinasa ng iba’t ibang grupo sa Maynila

Nagkasa ng Kalbaryo ng Maralita ang iba’t ibang grupo kasabay ng paggunita ng Semana Santa.

Sinimulan ang programa sa kahabaan ng España Blvd. sa tapat ng UST saka magmamartsa papunta ng Mendiola.

Kasama sa mga nagsasagawa ng Kalbaryo ng Maralita ang mga ina ng drug war victims, mga displaced familie, kaanak ng mga political prisoner, at mga mangagagawa na nawalan ng kabuhayan.

Dito ay isinasagawa nila ang mga pagsasadula ng kasalukuyang kalagayan ng pamumuhay ng bawat pamilyang Pilipino

Nais din nilang ipanawagan na tutukan sana ng pamahalaan ang sitwasyon ng mga mahihirap na Pilipino at papanagutin ang mga gumawa ng katiwalian gayundin ang mga nasa likod ng karahasan.

Giit pa ng grupo, hindi sila titigil na makuha o makamit ang nararapat saka ipaglalaban ang mga karapatan na ipinagkait ng kasalukuyan at nagdaang administrasyon.

Facebook Comments