KALIDAD NA SERBISYONG PANGKALUSUGAN, ISINUSULONG SA BAYAN NG SAN NICOLAS

Isinusulong ang kalidad na serbisyong pangkalusugan sa mga residente sa bayan ng San Nicolas sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga kinakailangang mga kagamitan sa mga Bara-barangay sa nasabing bayan.
Bukod dito ay ang pagkakaroon ng San Nicolanians ng madaling access sa mga serbisyong hatid ng lokal na pamahalaan dito.
Ilan sa mga naiturn over na mga equipment partikular sa Brgy. Salingcob ay ang fetal doppler, weighing scale with BMI calculator, dressing cart, instrument cabinet, examining table with stirrups, medicine cabinet, minor surgical set, mechanical bed 3 cranks, EENT diagnostic set, infant weighing scale, at spine board.

Binigyang diin din ng alkalde ng bayan ang kahalagahan ng sektor ng kalusugan sa pag-unlad ng kanilang bayan at pag-igtingin pa ang programang medikal para sa mga mamamayan. |ifmnews
Facebook Comments