Patuloy sa pag-arangkada ang hatid na mga kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa mga Dagupeño sa lungsod ng Dagupan.
Matatandaang higit pa sa isang daang porsyento o 100% ang kailan lamang napagtagumpayan ng lokal na pamahalaan ng Dagupan katuwang ang City Health Office at iba pang ahensya sa pagsulong ng Chikiting Ligtas na programa ng DOH na may layong mabakunahan ang mga batang nasa edad apat pababa ng bakunang laban sa mga sakit na Measles, Rubella at Polio.
Mas pinag-iigting din ang programang home visit ng siyudad na nakalaan lalo na para sa mga indigent Dagupeños upang maka avail pa rin ng mga serbisyong medikal kahit pa kapos sa pera. Bahagi nito ang pamamahagi ng alkalde ng mga bitamina at medisina, libreng checkup at iba pa.
Nagpapatuloy din ang programang Ubo Patrol’ at Mobile Dental Clinic na dadalhin naman sa mga Barangay sa Dagupan City.
Gayundin ang pagtutok sa mga batang Dagupeño na nakararanas ng pagkabansot o stunted sa ingles at tugunan ito sa pamamagitan ng ‘proper nutrition monitoring and supplementation’.
Iba pang mga programa at proyekto ang inihahanda pa ng LGU Dagupan upang maipagkaloob sa mga nasasakupan nito ang serbisyong pangkalusugan na nararapat para sa lahat.

Facebook Comments