Bahagyang gumanda ang kalidad ng hangin sa ilang bahagi ng Metro Manila at karatig probinsya.
Batay sa pinakahuling datos ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), nakapagtala ng good quality ng hangin sa Caloocan, Makati, Parañaque, Pateros at Batangas.
Ito ay kung susuriin ang particulate matter o malilit na particle na kayang pumasok sa malalim na bahagi ng baga at dugo.
Habang bumuti rin ang kalidad ng hangin sa mga lungsod ng Mandaluyong, San Juan at Taguig.
Nasa good quality na rin ang kalidad ng hangin sa Batangas, Sta. Rosa, Laguna at Ateneo, Quezon City pagdating sa sulfur dioxide emission o asupreng pinakakawala ng bulkan.
Una nang iginiit ng DENR, na hindi epekto ng Bulkang Taal ang pagkaroon ng makapal na usok sa Metro Manila kundi resulta aniya ng polusyon.