Kalidad ng hangin sa Maynila, patuloy na bumubuti sa gitna ng lockdown

Patuloy na bumubuti ang kalidad ng hangin sa Maynila sa gitna ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Sa pag-aaral na isinagawa ng Asia Blue Skies Program, lumalabas na bumaba ng 71% ang polusyon sa hangin partikular sa freedom park sa Manila City Hall.

Nasa 60% naman ang ibinaba sa polusyon sa hangin sa bahagi ng Rizal Park at 51% sa Mendiola.


Ayon sa Manila Public Information Office, layon ng pag-aaral na ito na mas maunawaan ang kalagayan ng kalidad ng hangin sa lungsod at kung ano ang maaaring gawin ng Lokal na Pamahalaan para mapanatili ito oras na alisin na ang ECQ.

Facebook Comments