Kalidad ng hangin sa Metro Manila, bumubuti na ayon sa DENR

Kinumpirma ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagbuti ng kalidad ng hangin sa Metro Manila.

Kasunod ito ng isang linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Luzon kung saan kakaunti na ang bumibiyahe dahil sa suspensiyon ng klase at trabaho.

Sa inilabas na datos ng DENR-NCR mula alas-otso kaninang umaga, maayos na ang kalidad ng hangin sa karamihan ng mga lungsod sa Metro Manila.


Kabilang dito ang Marikina, Malabon, San Juan, Pasay, Taguig at Parañaque na pawang nakakuha ng good air quality.

Facebook Comments