Kalidad ng hangin sa Pilipinas, nakatakdang suriin ng NASA

Magsasagawa ng pag-aaral ang National Aeronautics and Space Administration (NASA) kaugnay sa kalidad ng hangin sa Pilipinas.

Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Antonia Yulo-Loyzaga, partikular na magsasagawa ng scientific research flights ang NASA sa Metro Manila at mga kalapit na lugar nito.

Layunin ng pag-aaral na ito na maunawaan at matugunan ang isyu sa air pollution sa Asian region.


Dagdag pa ni Loyzaga, ang NASA mission na ito ay gagamitan ng advanced satellite technology, ground-based observations, at airborne missions.

Ang mga datos aniya na malilikom mula sa pag-aaral ay gagamitin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga programa laban sa problemang kinahaharap ng bansa sa air quality, na nakakaapekto sa kalusugan ng publiko, at upang matugunan na rin ang epekto ng Climate Change.

Facebook Comments