Muling nagsagawa ng inspeksyon ang Task Force Bantay Karne sa Alaminos City, kahapon, kasabay ng price monitoring sa iba’t ibang pamilihan sa lungsod.
Ayon sa tanggapan, bahagi ito ng pagsisiguro na maprotektahan ang kalusugan ng mga mamimili ngayong tinatangkilik ang mga produktong karne.
Layunin ng aktibidad na masiguro na ang mga karne at frozen meat products na ibinebenta sa publiko ay malinis, de-kalidad at dumaan sa wastong proseso ayon sa mga itinakdang batas.
Bukod sa kalidad, sinuri rin ang mga presyo upang matiyak na makatarungan at abot-kaya ang mga ito para sa publiko.
Samantala, patuloy naman ang inspeksyon sa mga pamilihan sa lungsod bilang bahagi ng kanilang programa para sa de-kalidad na pagkain kahit walang okasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










