Kalidad ng mga bakal na gagamitin sa build, build, build program ng pamahalaan, pinatitiyak

Nagpahayag ng pangamba ang isang grupo ng mga concerned citizen hinggil sa kalidad ng mga bakal na ginagamit sa pagpapatayo ng mga bahay, condominium at iba pang mga gusali sa ilalim ng Build, Build Build Program ng pamahahalaan.

Ayon sa grupo na kasama si dating Senador Nikki Coseteng, dapat nasa standard o tamang pamantayan ang mga bakal at materyales na gagamitin dahil dito nakasalalay ang kaligtasan ng mga mamamayan na titira o mamasukan sa mga gusaling ipinapatayo sa Build, Build, Build program ng administrasyon ni Pangulong Duterte.

Bukod kasi sa malalakas na bagyo at iba pang kalamidad, delikado rin na mahinang klaseng mga bakal ang gamitin sa mga hig-rise building dahil na rin sa banta lindol sa Pilipinas.


Maaalalang naipahayag ang mga pangambang ito noong sa isang pagdinig sa senado pero wala pang malinaw na hakbang ang gagawin sa bagay na ito.

Dagdag pa ng concerned individuals na hindi dapat balewalain ang paggamit ng substandard na mga bakal at materyales dahil ang kaligtasan ng mga mamamayan ang siyang dapat na prayoridad.

Facebook Comments