KALIDAD NG MGA IBINEBENTANG KARNE SA SAN FERNANDO CITY, LA UNION, TINIYAK

Tiniyak ng San Fernando City Veterinary Office ang kalidad at kalinisan ng mga ibinebentang karne mula sa mga slaughterhouse ng lungsod bilang paghahanda sa inaasahang pagtaas ng demand ngayong kapaskuhan.

Ayon sa opisina, isinailalim sa year-end assessment ang mga butcher at hog growers upang masigurong sumusunod ang mga ito sa wastong hygiene practices at may kaukulang sanitary at work permits mula sa City Health Office.

Kaugnay nito, paiigtingin pa ang inspeksyon sa mga slaughterhouse at pamilihan sa lungsod. Ang mga meat inspector ay regular na nagsasagawa ng quality check upang matiyak na ang mga ibinebentang karne ay ligtas kainin at nasa tamang kondisyon. Pinaalalahanan din ang mga nagtitinda ng karne na mahigpit na sundin ang mga regulasyon sa kalinisan at tamang pagproseso ng karne.

Ang mga lalabag ay maaaring patawan ng kaukulang parusa alinsunod sa umiiral na mga batas.

Hinihikayat naman ng lokal na pamahalaan ang mga mamimili na maging mapanuri sa pagbili ng karne at tiyaking ito ay may meat inspection certificate upang makaiwas sa anumang sakit o aberya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments