
Iginiit ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na ipatutupad nila ang tamang presyo sa mga imprastruktura nang hindi nakokompromiso ang kalidad at kaayusan nito para sa taong 2026.
Ayon kay DPWH Sec. Vince Dizon, sisikapin nila na mapabilis ang mga ginagawang infrastructure project pero kailangan pa rin masiguro ang quality nito.
Aniya, top priority nila ang mga nagawa na noong mga bagyo at lindol.
Dagdag pa ng Dizon, itutulad ng DPWH ang mga susunod na proyekto ng ahensya sa mga post-disaster rehabilitation at construction ng mga tulay, kalsada at ospital.
Ilan dito ang mabilis na pagbubukas ng Piggatan Detour Bridge sa Alcala, Cagayan na ginawa lamang sa loob ng 60 araw, pagrepair ng nasirang Cebu Provincial Hospital sa Bogo City, Cebu.
Kasama na rin ang pag-install ng mga tent at smart cities, at pagsasaayos ng mga school buildings sa Masbate na winasak ng Bagyong Opong.









