Kalidad ng serbisyo, isa sa kailangan sa pagtatayo ng negosyo

“Sip like a boss”

Ito ang brand na ipinagmamalaki ng VIP Milk Tea Shop para sa kanilang customers.

Sa interview ng bagong programang Business as Usual dito sa Radyo Trabaho, sinabi ni Glaiza Mae Dematera, may-ari ng VIP Milk Tea Shop na quality ng serbisyo ang pinakamahalaga para sa isang negosyo.


Ayon kay Dematera, gusto nilang maramdaman ng customers ang pagiging V.I.P sa hindi naman kamahalan na halaga ng mga produkto.

Bukod sa milktea, kabilang sa kanilang mga iniaalok na pagkain ay ang quesadillas, burgers at fries.

Samantala, ngayong may COVID-19 pandemic, maaaring umorder sa kanila sa pamamagitan ng food delivery apps kagaya ng Food Panda.

Facebook Comments