KALIDAD NG SERBISYO NG MGA CHILD DEVELOPMENT CENTERS SA BAYAMBANG, SINISIGURO

Isinagawa ng Municipal Social Welfare and Development Office ng Bayambang ang internal assessment sa huling batch ng Child Development Centers (CDC) bilang bahagi ng proseso para sa akreditasyon ng Early Childhood Care and Development ng mga ito.

Layunin ng pagsusuri na matiyak ang kalidad ng serbisyong inihahatid ng mga CDC at masiguro na nabibigyan ng tamang atensyon at kaalaman ang mga child development learners.

Labing-apat na CDC ang sumailalim sa naturang assessment upang masiguro ang maayos na pagpapatupad ng mga programa at maging paghahanda na rin sa gaganaping external validation.

Tiniyak naman ng MSWDO Bayambang na patuloy nilang paiigtingin ang pagbibigay ng dekalidad na serbisyo para sa kapakanan at paghubog ng mga batang mag-aaral sa kanilang bayan.

Facebook Comments