Kaligtasan at kapakanan ng media, muling iginiit ng PAO sa isinsagawang media summit sa Maynila

Inihayag ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Atty. Percida Acosta na maiging tutukan ang kaligtasan at kapakanan ng media sa pagganap ng kanilang trabaho.

Ayon kay Acosta, batid nila na maraming nasasagasaan ang media sa pagbulgar o pagbabalita ng mga kaganapan sa bansa.

Dahil dito, ilan sa mga tauhan ng media ay napapahamak kung kaya’t nais ng PAO, Presidential Task Force on Media Security (PTFoMs) at Presidential Communications Office (PCO) na mapangalagaan at maprotektahan ito.


Sinabi pa ni Acosta, hangad nila na mapanatili ang malayang pamamahayag kung saan huwag sanang idaaan sa pangha-harass at pagkitil ng buhay ng isang tao.

Naniniwala naman si Asec. Michel Andre del Rosario ng PCO na sa pamamagitan ng koordinasyon ng bawat ahensiya mapo-protektahan ang mga media sa kanilang trabaho.

Ang mga pahayag nina Acosta at Del Rosario ay kasunod ng isinasagawang 2023 Nationwide Media Summit sa pangunaguna ng PTFoMs at PAO sa Bayview Park Hotel sa Maynila.

Facebook Comments