Sa pagdiriwang ng World Teachers’ Day, ay pinuri ni Senator Risa Hontiveros ang dedikasyon at katatagang hindi matatawaran ng mga guro sa pagharap sa matinding hamon ng distance education ngayong may pandemya.
Kaya naman giit ni Hontiveros, dapat ibigay sa mga guro ang kailangan nilang suporta, benepisyo, proteksyon at allowances na dapat ay kanilang natatamasa.
Nagpasalamat naman ni Senator Sherwin Gatchalian sa serbisyo ng mga guro sa ating bayan hindi lang frontliners sa edukasyon, kundi may mahalaga rin papel sa pangangalaga ng ating demokrasya.
Muling ipinanawagan ni Gatchalian ang pagtaguyod sa kaligtasan at kapakanan ng mga guro pati iba pang kawani at mga opisyal ng mga paaralan.
Pangunahing giit ni Gatchalian ang pagtiyak na mababakunahan silang lahat kontra COVID-19 sa harap na rin ng inaasahang pagsisimula ng pilot testing ng limited face-to-face classes sa mga lugar na itinuturing na may minimal risk ng COVID-19.
Diin ni Gatchalian, mahalaga ring matiyak na matatakbuhan ng mga guro ang pamahalaan sakaling sila ay mahawaan ng COVID-19.