Lubos na nababahala ang OFW Party-list sa kalagayan ng mga Pilipino na naapektuhan ng 7.5 magnitude na lindol sa Taipei, Taiwan ngayong umaga.
Bunsod nito ay nananawagan si OFW Party-list Representative Marissa Magsino sa pamahalaan, lalo na sa pamunuan ng Manila Economic and Cultural Office (MECO), na agarang alamin ang kalagayan ng mga Pilipino sa Taiwan.
Hiling ni Magsino, siguruhing mayroong temporary shelter at basic needs ang ating mga kababayang lubos na naapektuhan ng lindol.
Iminungkahi rin ni Magsino ang pagkakaroon ng masusing koordinasyon ng gobyerno sa Taiwan authorities para sa relief, rescue, at evacuation operations.
Tiniyak naman ni Magsino na ang OFW Party-list ay handa ring magbigay ng tulong sa ating mga kababayan sa Taiwan, maging sa kanilang pamilya dito sa Pilipinas na nababalot ng pag-aalala.
Hinikayat din ni Magsino ang bawat isa na ipagdasal na ang bawat Pilipino sa Taiwan ay ligtas at nasa maayos na kalagayan.