Kaligtasan at mga pangangailangan ng mga Pinoy sa Taiwan, pinatitiyak ng mga senador

Pinakikilos ni Senator Lito Lapid ang Manila Economic and Cultural Office (MECO) para alamin agad ang kondisyon ng mga Pilipino sa Taiwan matapos ang malakas na pagyanig ng lindol doon kaninang umaga.

Pinatitiyak ni Lapid sa MECO na ligtas at nasa maayos na kalagayan ang ating mga kababayan lalo na ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagtatrabaho sa Taiwan.

Sa Taiwan ay aabot sa humigit kumulang 152,000 OFWs ang nagtatrabaho doon.


Samantala, pinatitiyak naman ni Senator Sherwin Gatchalian sa Department of Migrant Workers (DMW) ang mabilis na pagbibigay ng tulong sa mga OFWs na naapektuhan ng malakas na lindol.

Kailangan aniyang matiyak ng ahensya na maibibigay agad ang lahat ng mga pangangailangan ng mga Pinoy na nawalan ng tahanan o kaya ay sugatan dahil sa kalamidad.

Hiniling din ni Gatchalian na maging alerto ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at ang Department of Interior and Local Government (DILG) laban sa banta ng tsunami sa mga coastal areas sa bansa at siguraduhing agad na maililikas ang mga mamamayan sa mas mataas na lugar.

Facebook Comments