Tiniyak ng Pangasinan Police Provincial Office ang seguridad sa mga lugar sa buong lalawigan ng Pangasinan na siguradong dadagsain ng mga tao sa kanilang paggunita ng holy week ngayong linggo.
Nasa tatlong daan naman na mga kapulisan at force multipliers ang nakadeploy at idedeploy sa mga nakatalagang bahagi na kailangan ng seguridad at kaligtasan ng mga taong dadagsa.
Paiigtingin din ang police visibility o sa madaling sabi ay ang makikita at mararamdamang presensya ng kapulisan na magpapatuloy sa pag-antabay, patiyak ng kapayapaan at kaligtasan at ang pagresponde sa emergencies katuwang ang iba pang ahensya.
Higit na babantayan ang mga tourism areas, partikular ang mga baybayin sa lalawigan na tiyak na mapupuno ng mga bisita at beachgoers gayundin ang kanilang pag-antabay sa mga simbahan, sa terminals at mga malls. |ifmnews
Facebook Comments