
Mahigpit na nakatutok ang liderato ng Kamara sa kalagayan at kaligtasan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Gitnang Silangan kung saan may nagaganap na tensyon.
Kaugnay nito ay pinapatiyak ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III sa pamahalaan ang kaligtasan ng mga OFW sa Middle East at ang pagtugon sa kailangan nilang tulong at suporta.
Ikinalugod ni Dy ang mabilis na pagpapakilos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaukulang ahensya ng gobyerno para magpatupad ng nararapat na hakbang para sa kapakanan ng mga ating mga OFW.
Panawagan ni Dy sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) siguraduhing lubos na gumagana ang contingency plans, kung saan dapat may nakahanda ng assistance teams para sa mga OFW at dapat din palaging bukas ang linya ng komunikasyon sa kanila.
Pinayuhan naman ni Dy ang ating mga kababayan sa mga apektadong lugar o bansa na manatiling mag-ingat at sumunod sa mga opisyal na abiso ng ating pamahalaan.










