Sinisiguro ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang kaligtasan ng mga Dagupeño laban sa sakit na dengue na mas talamak ngayong panahon ng tag-ulan at pagbaha sa pamamagitan ng tuloy tuloy na pagsasagawa ng anti-misting operations.
Nauna nang isinagawa ito sa mga paaralan bilang naging isa sa paghahanda sa pagbabalik-eskwela ng mga bata nang maging ligtas ang mga ito sa nasabing sakit.
Nagpapatuloy din ito sa mga sitio sa mga barangay sa Dagupan City upang mapuksa ang maaaring pamugaran ng dengue-carrying mosquito na Aedes aegypti.
Pinaalalahanan din ang lahat na maging mapagmatyag at panatilihin ang kalinisan sa kani-kanilang komunidad upang makaiwas sa sakit na dengue.
Matatandaan na nito lamang buwan ng Hulyo ngayong taon, nakapagtala ang Department of Health Center for Health Development Ilocos Region (DOH-CHD-1) ng nasa 1,957 na kaso ng dengue sa buong region 1 at ang 904 dito ay sa lalawigan ng Pangasinan, bagamat mababa naman umano ito kumpara ang bilang ng kaso noong nakaraang taon. |ifmnews
Facebook Comments