Naghahanda ang gobyerno ng contingency plan para matiyak ang kaligtasan nang nasa 300 mga Pilipino na trapped sa Sudan dahil sa kaguluhan sa North African Country.
Sa isang statement sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ngayon ay patuloy na kumukuha ng impormasyon ang pamahalaan sa ground para makapaghanda at mabilis na makuha ang mga Pilipino sa nagpapatuloy na gulo.
Napakadelikado ayon sa pangulo ng mga rutang dadaaan bago makaalis sa Sudan ang mga Pinoy kaya mas pinag-aaralang mabuti ang pag-rescue sa mga ito.
Sa ngayon, ayon sa pangulo ay naghihintay ang Pilipinas ng impormasyon para matukoy kung kailan ligtas na i-evacuate ang mga Pinoy.
Ang gulo sa pagitan ng Sudanese Armed Forces a Rapid Support Forces paramilitary ay nagsimula noong April 15, 2023.