Kaligtasan ng bawat mag-aaral sa evacuation centers, mananatiling prayoridad – DepEd

Patuloy na babantayan ng Department of Education (DepEd) ang mga eskwelahan at mga estudyanteng nasa evacuation center matapos masalanta ng Bagyong Rolly.

Ayon kay Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan, prayoridad ang kaligtasan ng lahat at ang mga local chief executives ang nangunguna sa mga efforts bilang pinuno ng kanilang Lcal Disaster Risk Reduction and Management Councils (DRRMCs).

Mula nitong November 3, aabot sa 14,999 na estudyante ang nananatili sa 869 na paaralan na nagsisilbing evacuaton centers.


Mayroong 4,367 classrooms na ginagamit bilang evacuation centers ng 21,000 pamilya o 82,584 individuals.

Facebook Comments