Kaligtasan ng dalawang bumaliktad na aktibista, tiniyak ng NTF-ELCAC

Siniguro ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na pangangalagaan nila ang kaligtasan at itataguyod ang karapatan nina Jhed Tamano at Jonila Castro, ang dalawang aktibista na unang napaulat na nawawala.

Ayon kay NTF-ELCAC Spokesperson at National Security Council Assistant Director General Jonathan Malaya, pinanindigan nila ang opisyal na ulat ng pulis at militar patungkol sa pagsuko ng dalawa.

Ito’y makaraan ang biglang pagbaliktad ng dalawang aktibista matapos humarap sa isang pulong balitaan kamakalawa.


Ani Malaya, hindi natitinag ang kanilang pagsisikap na gampanan ang kanilang mandato at ipauubaya na lamang nila sa mga abugado ang mga susunod na hakbang.

Matatandaang sa pagharap ng 2 sa media, kanilang sinabi na sila ay pwersahan umanong pinasuko ng gobyerno sa Orion, Bataan na taliwas sa kanilang unang sinumpaang salaysay na boluntaryo silang sumuko at hiningi ang tulong ng pamahalaan upang matakasan ang rebeldeng NPA.

Facebook Comments