KALIGTASAN NG ELECTRIC VEHICLES SA MGA KALSADA, BINIGYANG-PANSIN NG LTO REGION 1

Binigyang-pansin ng Land Transportation Office (LTO) Region 1 ang kaligtasan ng paggamit ng Battery Electric Vehicles (BEVs), Hybrid Electric Vehicles (HEVs), at Light Electric Vehicles (LEVs) sa mga pampublikong kalsada sa pamamagitan ng mas pinaigting na public education campaign.

Ayon kay Regional Director Glorioso Daniel Z. Martinez, layunin ng kampanya na gabayan ang mga motorista sa ligtas at legal na paggamit ng e-vehicles, kasabay ng pagpapatupad ng RA 11697 o E-Vehicle Industry Development Act (EVIDA) Law.

Sa pangunguna ng Regional Law Enforcement Section (RLES), nagsasagawa ang LTO ng information drive, pakikipag-usap sa mga motorista, at pamamahagi ng mga road safety reminders bago magpatupad ng anumang parusa.

Binigyang-diin ng ahensya na mahalaga ang maagang edukasyon upang maiwasan ang aksidente at masiguro ang pagsunod sa mga umiiral na polisiya, bilang suporta sa mas ligtas, moderno, at sustainable na transportasyon sa bansa.

Facebook Comments