Kaligtasan ng magkapatid na Parojinog sa kustodiya ng Camp Crame, siniguro ni PNP Chief Dela Rosa

Manila, Philippines – Tiniyak ni PNP Chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa na ligtas sa kustodiya ng PNP ang magkapatid na Parojinog na ngayon nakakulong sa PNP Custodial Center ng Camp Crame.

Ayon kay PNP Chief Dela Rosa, mula nang mapunta sa kustodiya ng PNP sina Ozamis City Vice Mayor Nova Princess Parojinog at kapatid na si Reynaldo Junior, makakasiguro ang pamilya Parojinog sa kaligtasan ng mga ito.

Kinontra naman ni Dela Rosa ang katwiran ng abogado ng mga Parojinog na si Atty. Lawrence Carin na hindi dapat makulong ang kanyang mga kliyente dahil sa search warrant lang ang isinilbi ng mga otoridad.


Tugon ni Dela Rosa kay Atty. Carin na sumunod sa batas lalo na sa ipinatutupad na patakaran ng detention facility tulad ng nasa Camp Crame.

Facebook Comments