Maaga nang nag-abiso ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council sa Luna, La Union ang mga may-ari ng mga alagang hayop na ilipat na ang mga ito sa mas ligtas na lugar.
Ito ay upang paalalahanan ang mga livestock owners mula sa nakasanayang pagpapastol at pag-iiwan ng mga hayop sa mga sakahan dahil sa posibleng maging epekto ng bagyong Isang.
Bukod pa rito, pinulong din ang mga Barangay Council sa tamang pagrereport sa sitwasyon kada lugar pagkatapos ng bagyo, wastong paggamit ng radio communication at maagap na pagbabantay sa high-risk areas mula sa pagbaha o landslide.
Nakaantabay ang tanggapan sa posibleng epekto ng bagyo sa buong bayan habang nasa loob ng bansa ang Bagyong Isang. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









